<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/35833405?origin\x3dhttp://lihimnaorganisasyon.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </head>


























Sunday, February 11, 2007

a lonely night

-Kwentong Barbero-

Pangalawang entry sa journal kong ito. Ika-10 ng Pebrero, 2007, Sabado, umuwi ako sa tunay kong tahanan, sa Antipolo para bumisita sa isang kaibigan na malapit nang umalis papuntang States. Kasama ko dito ang mga walang kasawa-sawa kong kaibigan na sin Oyie at Danica. Ang usapan, 11 AM. 12:30 na, di pa din kame nakakaalis sa isang suking computer shop na matatagpuan sa harap ng Antipolo Cathedral (bumaba ka lang ng konti at presto! Matatagpuan mo na ang 3 branch ng Iconics na magkakatabi). Di namin alam kung bakit late si Danica, sya yata ang pupunta sa States. Pagdating nya, nagdahilan pa:

Danica: Nagmamadali na nga ako eh.
Ako: Sa lagay nagmamadali ka na?
Danica: E kasi walang susi yung nanay ko sa bahay.
Oyie: Kaya nga na-imbento ang duplicate eh.
Danica: Na-bobo nga ng konti, nakalimutan nyang dalhin. Tapos natatakot pa’kong iwan yung susi namin sa ilalim ng halaman, meh mama kasing nakatambay sa harapan ng bahay namin, baka kunin yung susi at mapagkamalang bahay nya yung bahay namin.

Pagkatapos ng mahabang paliwanagan, nagkasundo kaming bumili ng cake sa Goldilocks para meh panregalo kami kay Yhana. *ang totoo nyan, kami lang ang kakain nun* Tapos, naglakad kami sa sakayan ng FX papuntang Taytay, at VROOM! Nakarating kami sa destinasyon namin in no time. Pagdating namin sa bahay nila Yhana, di kami makapaniwala sa aming nadatnan. Si Allan, ang hari ng mga jinx, ay nasa taas, naglalaro ng PS.

Ako: Nakow! Patay! Mamalasin na tayo nyan!
Oyie: Anong ginagawa nun dito?
Danica: Pauwiin mo na nga!

Pagpasok namin sa kwarto, isang nakakasilaw na ngiti ang biglang sumalubong sa’men. Yung tipong kakailanganin mo ng shades, wag ka lang mabulag sa ngiti nya. Hay, kung minamalas ka nga naman.
------
Habang nagkakalkal kami ng gamit na pwedeng maiuwi (haha mga parasite!), bigla namang dumating ang isa pang kaklase at kaibigan na si Rucelle. Hindi sya masyadong green dahil green ang shirt nya, hikaw nya, nail polish nya, pati bracelet at medyas, green din yata. Mabuti na lang di uso ang kalabaw sa’men, kundi baka di na sya nakarating ng buo.

After some time of rummaging trough our friend’s belongings, she suddenly pops her head on the door and started telling us that lunch is ready. *hmm, ang peborit part ng lahat* Pagbaba namin, nagtatawanan pa kami kasi dun sa kuya ni Yhana, si Tan (na pogi pero mejo masungit). Pagdating sa salas, WOAH, nandun lang naman sya at naka-slouch sa sofa (at obviously kilala nya kung sino tinatawanan namin). Mabuti na lang dumating si Yhana na may hawak na mga cards. Lumabas kami para maglaro ng tong-its at pusoy-dos. Unang round, tong-its. Nag-tie kami ni Danica kaya walang panalo. Pangalawa, pusoy-dos, panalo ako, talo si Rucelle. Third game, panalo uli ako, talo si Oyie. At nung last game, di ko maalala kung sino ang natalo, basta ang alam ko, panalo pa din ako. Nyahaaha!

Pagtapos ng game, tinawag na uli kami para kumain. Pero this time, totohanan na! E ano pa nga ba aasahan nyo, edi kumain kami ng kumain. Eat-ol-you can, meh libreng dessert pa! tapos panay pa tawa namin, ewan ko pero gusto lang naming maging masaya sa araw na yun.
-----
Masaya talaga mag-PS lalo na pag di ka marunong. Pindot ka lang ng pindot, basta kahit ano, at in no time, makaka-create ka ng sarili mong combo. Yun ang pampalakas ng metabolism namin pagkatapos kumain: SmackDown vs. RAW. Dapat 3 lang kami nila Oyie na maglalaro, kaso pinasali namin si Allan, di dahil trip lang namin, kundi dahil sa isang maitim na balakin. 3-on-1 handicapped match. Danica, Oyie, Ako laban sa hari ng jinx na si Allan.
Allan: Grabeh kayo, gustong-gusto nyo talaga akong mabugbog. Papakitaan ko kayo, makita nyo…

Ako: Masaya yun Allan.
Danica: Buti nga di namin isinasabuhay Allan eh.
Allan: Oo na, oo na.
Maya-maya pa, lahat kami ay high na high na sa paglalaro ng PS.
Ako: Ay potah! Ba’t ako tinitira mo??
Danica: Sorry, nakaharang ka kasi eh.
Ako: Isa-isa lang kasi.
Oyie: Oi Allan, umakyat ka ng ring duwag!
Ako: Potah ayaw tumaas, sige ako na lang bababa.
Allan: (secretly passing the controller to Xis) Xis, ipagtanggol mo ang character mo!
Danica: Ay, ay, gusto yata nilang makatotohanan na lang ang laban!
Allan: (laughs nervously)
At sobrang maya-maya pa, kung saan ang aming mga thumb ay di na maigalaw sa sobrang pagpipindot...
Danica: Tae magpatalo ka na!
Ako: (pinipindot ang circle, square at L1 simultaneously) (nakatunganga lang sa screen)
Allan: (natatawa sa expression ko) Hala si Jasmine talagang tutok na tutok sa screen!
Ako: H-huh?
Allan: Wala. (sabay tawa)
Danica: Wah na-smack down ako ni Jasmen!
Ako: (“weh-di-nga?” expression)
Danica: Pa’no ba yung sunud-sunod kang ihahampas, ha Jasmine?
Ako: (shrug) Ewan. (nakatutok padin ang main attention sa screen)
Oyie: (chuckles) Kanina mo pa nga yun ginagawa eh.
Ako: (pindot lang ng pindot)
Danica: Ayan napi-pin-down ko na!!!
Ako: (pindot lang ng pindot)
Danica: Yay! Panalo ako!!! Hahahahahaha!
Ako: (sigh of defeat) Ang sakit na ng daliri ko. *palusot, haha*
Xis: Ibang laro naman.
-----
5:30 ng hapon, ang bilin ng aking ama, dapat 4 uwi na ako. Pero dahil mas importante ang wrestling sa araw na yun, di ko sinunod ang utos. Pero dahil takot ako sa tatay ko, naisipan ko na ding magyayang umuwi.

Sa daan palabas ng Ridge Mont…
Ako: Allan penge na ng 50!
Allan: Ano ba ako, banko?
Oyie: Muka ka namang bank manager eh.
Ako: (sipsip mode) Oo nga naman Allan, anlaki na ng pinagbago mo. Biruin mo dati, muka ka lang janitor sa isang banko pero ngayon, kita mo naman, muka ka ng manager!
Lahat: (tumawa)
Allan: (pinisil ako sa pisngi) Naiinis na ako sa’yo a.
Ako: Ows? Di halata.
Lahat: (tawanan uli)
Allan: (akmang pipisilin uli ako sa pisngi)
Ako: (umilag) Allan, lagi ka na lang masaya. Ibahagi mo naman sa’men ang konting kasiyahan mo!
Lahat: (tawanan)
Allan: Naiinis na talaga ako.
Ako: Bigyan mo ako ng 50, pramis titigilan na kita!
Allan: Wala nga akong pera!
Ako: (sabay hampas sa likod) E ba’t sabi mo kanina bibigyan mo ako ng 50??
Allan: Aray!
Ako: Tsk, bahala ka. Di mo na ako kaibigan. (tumahimik)
Allan: Uy Jasmin sorry na, sa susunod na lang, wala akong pera.
Ako: (tahimik lang)
Allan: Uy Jasmin…
Ako: (pumara ng FX) Babye Danica, babye Oyie, babye Rucelle! (sabay pasok ng FX)

-End of Story-

A lonely night. Bakit yun ang title ko sa entry na to? Dahil ba lovapalooza day ngayon at wala akong ka-lovapalooza? Hinde. Syempre hinde. A lonely night kasi napaka-lonely ng gabing to. Ngayon pa lang nagkaka-epekto ang tranquilizer na ininom ko. Ngayon ko pa lang nare-realize, aalis nanaman ang isa sa’men. Ngayon pa lang ako nalulungkot. Ba’t kaya sila umaalis? Oo nga’t maganda buhay dun sa States, pero masaya din naman dito sa Pilipinas di ba? Nauubos na kami isa-isa. Baka di ko namamalayan, biglang dumating ang araw na mag-isa na lang akong naiwang nabubulok dito sa Pilipinas. Wag naman sana akong mabulok. Eniwei, pansin ko lang, ang haba netong entry na to. Sinadya ko talagang i-detalye ang mga nangyare para di ko yun makalimutan. Pansin ko sobrang saya namin sa araw na yan. Gusto lang namin sigurong maging masaya, kasi, parang yun na yung last naming pagkikita nila Yhana. Sana naman hinde. Sana etong ala-alang to eh baunin nya sa pagpunta nya sa States, at alalahanin nyang meh babalikan sya dito sa Pinas. Huhu, anlungkot.
-----
Yhana: Jang2, salamat sa pagbisita nyo ngayong araw na to ah! Sobrang masaya ako ngayong araw na to, salamat uli!
-----

isinulat ni Writing Writer noong 3:36 PM


OBabala!O

"To be great
is to be misunderstood."

"Don't make me argue with you,
you won't like it when I harm you."

About the Bouncer

HASMEN


Unknown Age

Past: Dating adik.

Present: Adik pa din.

Future: Future basurera.

Organization/s (Illegal): LihimnaOrg, S.P.U.T.N.I.K

YLOVESY

maglakad
matulog
tumunganga
gumawa ng wala
mang-stalk ng potential mate
surprises!
highways
holding hands.nyak
ethics
Sundays,2pm
sundo
*New Photo/s*
Butchok...
JUBELI
HYDOuken

NKEEP OUT!N

kirida
MMK
maiingay na freshmen
bulok na aircon
lumilipad na ipis
newsletter
research paper
plastiks
pedicab driver na sobra maningil
party pooper!
bagyo during prelims
EX Crush

WISHY WISH

camfone
iPhone
PS3
PSP
maka-experience ng Sturbucks
totoong camera
makita na si J-baby everyday
maging groupie ni HYDE

I Want to Meet

BobOng Pinoy
Taga-Ilog
Mr. Torrid
Mr. Hayok
Freddy Jones
Freddy Mercury
Jeff Isbel
Brandon B.
JUBELI (of course)
Ha-ha-HYDE :D

TAGiyawat BOARD

Place your backstabs and lovenotes here.

LINKage

emil
bernays
jherbaux
oyie
danica
joaaaNne
ada
kris
sarah pauyo
lea
rix

The Past Tense

October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
February 2008
May 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
July 2009
August 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
July 2010
October 2011
November 2012

Special Thanks To

zero one two three four
basecode

Dance With Me

Music Codes by SongArea.com



Dig Lyrics