Sunday, September 30, 2007
All Good Things Come to an End
Ok, so hindi naman talaga good thing ang maging kapatid si Princess, pero dahil mabait ako, sabihin na nating good thing nga sya.
May nangyari kahapon na dapat ay di nangyari. Ang problema, di ko nanaman na-kontrol ang init ng ulo ko at nagdilim na lang ang paningin ko and the next thing I knew, meh bukol na sa noo si Princess. (Kung ganun, tama nga yung seven deadly quiz. Wrath ang highest. What the?!) Siguro kung di ko na lang sya pinansin at nagtuloy na lang sa pagkain, baka di ko sya nasapak. PERO, kung sana di lang sya masyadong madaldal, baka di ko sya nasapak. Pero dahil madaldal sya, sorry na lang. E ano ba kasi yung sinabi nya? Sinabi lang naman nya na "Lumayas ka! Ampon ka lang!" Excuse me?! Can you repeat that? E kung tinatanong mo kaya yan sa sarili mo? O better yet, sabihin mo yan sa magaling mong nanay at tignan natin ang magiging reaksyon nya. Syempre, initial reaction ko eh ang magalit. Malamang, sabihan ka ba naman ng ganun eh. Mabuti na lang mejo kalmado pa'ko dahil kung hindi, meh lamay na sa'men ngayon. (See? Violent. Tsktsk.)
Ang di ko lang lubos maisip ngayon eh kung pa'no ko haharapin ang tatay ko. Syempre, matatakot ako kasi binugbog ko si Princess. At isa pa, isang malaking barbero sya at kung anu-ano na lang ang isinusumbong sa kanyang ama at ina. Sinong kakampihan? Syempre, sya. Sya ang "mukang" agrabyado eh. Porque't nasapak sya at lahat-lahat, sya na ang kawawa. Ni hindi na nila tatanungin ang dahilan kung bakit sya nasapak. Bakit? Dahil mga bias sila. Palibhasa di nila nararanasan ang sitwasyon ng isang kawawang nilalang na kagaya ko. Ika nga nila, mas masakit ang emotional pain sa physical. Bakit? Ang pisikal, meh mabibili ka pang gamot sa mercury drug. Pero ang emotional, matagal pa bago magamot yun. Di ba nila alam kung gaano karaming emotional trauma na ang ibinibigay nila sa'ken? Kaya nga walang kaduda-dudang sa Mandaluyong ang magiging bagsak ko nito. Tsk. Bwiset talaga. Sana lang tubuan ng logic ang ama ko at wag syang padalos-dalos sa mga gagawin nya, dahil kung hindi, magpapa-ampon na lang ako sa iba. (Thank you Oyie, Yam, Maan, Bernice, Herbs, Ralp, AteDD, and etc. Alam kong mabubuti kayong kaibigan. Di ba? Di ba? n_n)
Labels: signal # 2
isinulat ni Writing Writer noong
8:54 AM
Monday, September 17, 2007
Best Day Ever!
Isa lang ang masasabi ko: BULLS**T.
Ok, first of all, singko ang grade ko sa prelim grade namin sa History. Kaya naman nag-eefort akong mag-recite at gumawa ng PROJECT sa history for more credits, SANA. Unfortunately, napadpad ako sa grupong
walang kwenta kaya heto ako ngayon, distressed, angry, and frustrated.
F*cktards.
Originally, 3 articles lang ang ipapasa ko (dahil tamad akong gumawa, lalo na pag articles). Swear, di ko talaga akalaing mag-e-exceed pa dun ang magagawa ko. But I did! Bakit? Dahil sa isang desperadong aksyon upang umangat ang grade ko sa History, kahit 2.75 man lang, masaya na ako. At akala ko talaga, ang taas ng hopes ko, na etong newsletter na ito ang mag-aangat ng grade ko. My groupmates proved otherwise. They proved me wrong. Magaling. 3 leisure articles, 2 news articles at isang feature. Ano lang ang lumabas? 1 news article at 1 leisure. Ni hindi man lang isinama yung impromptu na articles na ginawa ko! FUCKYOUALLPEOPLE!!!! Ginawa ko na ang parte ko, MORE THAN THAT pa nga eh. Wala namang ginawa ang iba ah. Ano bang ginawa nila??? Nag-canvas ba sila sa gitna ng malakas na buhos ng ulan?? Naranasan ba nila yun?? Naranasan ba nilang i-sacrifice ang isang good night sleep para lang sa 2 motherfucking articles na hindi naman pala nila isasama sa paper!!! Anong gusto nilang gawin ko?? Kumanta at umindak sa saya?? Arrrghhh! Screw them all! SCREWYOUALLFUCKINGPEOPLE!!!
Bwiset. Bwiset talaga. Thank you naman sa inyo, my
beloved groupmates. Salamat sa suporta. Thank you for the group work. I'm impressed, really. Next time there would be groupings, I swear, I would
love to be groupmates of you again. Yun ay kung buhay pa kayo. ..l..
isinulat ni Writing Writer noong
3:25 PM
Sunday, September 02, 2007
Soulmate Online
Nakakapagod ang araw na 'to. Eplats kasi ang NSTP eh. Kelangan pa ng test chuva e sus, application naman talaga ang mahalaga dun! Kung nagsimula na lang sana kami sa community service edi sana madaming Pilipino na ang natulungan namin. At eplats pa dahil LINGGO ngayon!!! Hay naku naman talaga. Mabuti na lang 41/50 ako. Talino talaga. Joooke! Haha.
Oops. Wait. Stop. Look. Meh online. Naku, sino kaya?? Ay naku, its you! Bakit kaya sya online?? Hula ko magdadrama nanaman sya sa blog nya tungkol sa nonexistent lovelife nya. Bopols kasi, sasabihin lang di pa magawa. Chicken. Di nya ba alam, love has no limitation! Dah-ah. Kaya lang naman wala siyang 'move' na magawa kasi takot sya sa rejection. Takooot! Chicken! Eplats. Ginagawa pang dahilan ang ibang tao. C'mon. Who are you kidding? Kung gusto mo, gusto mo. No holding back of emotions. E sa gusto mo eh. Ano bang pake nila? Sila ba ang makakarelasyon mo? Hindi naman diba? At isa pa, wag kang magrereklamo. Ikaw lang ba ang taong meh ganyang problema sa mundo? Pasalamat ka nga meh nagkakagusto pa sa'yo eh. Tsk. Eplats talaga. Ewan. Bahala ka nga. Cool off muna ako sa'yo. Nakaka-lamig ng pakiramdam kasi ang mga sinabi mo. So just... shut up.
Labels: what hurts the most
isinulat ni Writing Writer noong
2:59 PM