Monday, November 19, 2007
Last Week
Hectic nanaman ako nitong weekend. Hay, ewan ko ba, ganun talaga pag sikat. Anyway, mejo mahaba-haba itong post na ‘to, kaya pagtiyagaan nyong basahin (kung may nagbabasa man).
First, let me summarize it.
Friday: May appointment ako sa barbero.
Saturday: A-attend ako sa debut.
Sunday: Magre-research sa Theology.
Noong Friday, may appointment ako sa barbero. Barbero, in a sense na barbero yung ka-appointment ko, at barbero in a sense na nanggugupit ng buhok. Yep, tama, may nu hairstyle na ako! Nyaha, goodbye long hair! Hello short one! dapat kasi hanggang balikat lang ang gupit, kaso nag-enjoy yata yung mama, pinaabot hanggang batok. Ayun, ang ikli na ng buhok ko. Sabi nga ng mga classmate ko (nung nakita nila ako sa debut), kamuka ko na daw si Mariel. Excuse me, mas cute ako dun. *cough*cough* Pero hindi pa diyan nagtatagpos ang Friday ko. Pagdating ko sa bahay, no wasted time. Diretso agad ako sa harap ni Fuumi (ang aking subrang pinakamamahal na computer) at nanood ng Tokyo Tower. *hikhik* Ang sweet nga ng ending eh, kahit immoral. Tapos napanood ko pa yung behind the scenes nila. Nyahaha, yung 1st bathroom scene, in-edit lang pala yung pwet na pinakita. Tae, naka-cycling shorts pala si Tooru tapos in-edit na lang siguro para magmukang pwet. Kaya naman pala perpek ang pagkakabilog. *hikhik*

Before

After
Next in line naman na pinanood ko eh yung Yamada Taro Monogatari. Waaaa! Amppp! Speechless. Wutaena, ang ganda ng story plot, kahit medjo unrealistic. Ang poging-poging sina Sho Sakurai at Ninomiya Kazunari ang gumanap na mag-bestfriend na sina Mimura Takuya at Yamada Taro. Pagkakataon nga naman o, ang conscious ichiban at subconscious ichiban ko pa talaga ang mga bida. Kaya naman bawat eksena may screencaps. Nyaha, umabot nga ng 1000+ yung kuha ko eh. Anyway, the story goes this way: Si Taro ay isang soobrang mahirap na studyante na nakapasok sa Ichinomiya High School. Dahil sa sobrang katalinuhan, siya lang ang nag-iisang studyanteng scholar at libreng-libre ang tuition fee. On the other hand, si Takuya naman ay ubod ng sikat at yaman na studyanteng kamag-aral ni Taro. Ubod din siya ng talino at pumapangalawa siya kay Taro sa overall ranking ng school. Dahil sa taglay nilang ka-gwapuhan at katalinuhan, they are considered as elites. As in heartthrob, mayaman, at matalino. Ang problema, akala ng lahat mayaman si Taro, pero hindi. Nung una, yung principal lang ang nakakaalam. Sumunod naman si Takuya, nung naging magkaibigan sila. Tapos, dito na medjo nag-arise ang climax. Kasi, may isang babaeng commoner lang ang kaklase din nila Taro at Takuya ang may gusto kay Taro (played by Tabe Mikako [di ako sure sa pangalan ng babae, nyaha -_-;;]). Well, nung una, isa syang gold digger. Yung tipong ang goal nya lang sa buhay ay ang makapag-asawa ng mayaman. Sa kasamaang palad, nabiktima siya ng maling-akala, dahil una sa lahat, hindi naman talaga mayaman sina Taro. Nung nalaman nya yung bagay nay yun, syempre, iniwasan na nya si Taro at inisip nyang maghanap na lang ng iba. Kaso, dahil magaling si Takuya, nahalata nyang may lihim na pagtitinginan pala yung dalawa. Kaya gumawa siya ng paraan, even though for his entertainment purposes lang naman yun. Pero, naging successful naman siya dahil na-realize nung babae na gusto niya talaga si Taro, with or without the money (awww). Pero syempre, hindi pa djan nagtatapos ang climax ng story. Actually, may 3 climax siya. Yung pangatlo, hindi ko pa napapanood. KAYA SOBRANG FRUSTRATED AKO NGAYOOON! WAAAA! I WANT THE LAST EPISODE!!! ANDUN PA NAMAN SI OHNO! OH NO!!! GIMME, GIMME, GIMMEEE THE LAST EPISODE PLEASE!!! *sigh* Pero wala akong magagawa dahil copyrighted yun kaya kahit saang website ako pumunta, hindi ko mapapanood yun. Huhuhu, ang lungkot. But—but! I will wait patiently. Ika nga nila, patience is a virtue. (Sana lang makayanan kong maghintay!)

Yamada Taro

Mimura Takuya
Matindi nga ang impact ng Yamada Taro Monogatari sa’ken eh. Naisip kong mag-ipon. Well, matagal ko nang naiisip yan. Pero nung mapanood ko yung TV series na yun, para bagang na-motivate ako. Yung portrayal nila ng isang happy family amidst being unfortunate in terms of money, nakaka-touch. Parang gusto mong mapunta sa pamilya na yun: masaya at nagmamahalan kahit naghihirap. I actually contemplated about that last Friday night. Kung sakaling papipiliin ako, pamilya ko ngayon o pamilya na katulad na katulad ng pamilya ni Taro? Wala man lang dalawang-isip na pinili ko yung pamilya ni Taro. Ewan ko, feeling ko mabubuhay ako ng matagal pag ganun ang pamilya mo. Di tulad naman ngayon, konsumisyon sa buhay ang inaabot ko. (Hay naku, nagrereklamo nanaman ako.)
Anyway, dahil frustrated ako dahil hindi ko napanood yung ending, naisip kong basahin na lang ang Mac Arthur. Isa pa yun eh, nakaka-konsensya. Nakaka-inis. Nakaka-tae. Ewan ko ba, pero iniyakan ko pa nga ang pagkamatay ni Mang Justo. Pagkatapos kong basahin yun, napa-isip nanaman ako. Ano kayang silbi ko sa buhay? May naitutulong ba ako sa Pilipinas? May kwenta ba akong tao? Kung ako sila, kakayanin ko pa kayang mabuhay ng kahit isang araw lang? Magbabato din kaya ako? Isusubo ko din ba ang mga nanakaw ko para i-tae pagkatapos para lang may maipang-tawid gutom? Tama si Oyie, kumpara kina Cyril, walang-wala ako. Tayo. Pagdating ba ng araw, magiging dahilan kaya ako ng pag-angat nila? O ang lalong pagkalugmok nila sa kahirapan? Hindi ko alam. Pero kung ako ang tatanungin, at kung mabibigyan ako ng pagkakataon, ang unang-una ko sigurong gagamutin ay ang sakit ng ating lipunan. Sana lang, makayanan ko. Sana lang di ako masilaw sa kinang pera. Sana maging dahilan ako ng pag-angat nila. At condolence nga pala kay pareng Denver/Amadeus/Voltron.
Noong Saturday, kailangan kong um-attend sa debut ni Danielle, ang aking blockmate. Hay naku, napabili tuloy ng damit ang tatay ko ng di oras dahil nakakahiya naman daw kay Oyie na manghiram pa ako. E nakahiram na ako eh. Pero wala akong magagawa kung gusto ng tatay kong gumastos ng pera, then so be it. Minsan lang naman yan, nyehe. Anyway, as usual, napaaga nanaman ako. Na-excite yata ako masyado kaya naman pagdating ko, wala pa sa 5 ang tao. (To think na nabiktima pa kami ng 1 way nyan ah.) Dahil nahihiya naman ako, tumambay na lang muna ako sa banyo. Taena, amoy inidoro ako pagdating ni Maan. Buti na lang may bitbit siyang pabango, laging handa! Anyway, akala ko magiging sobrang masya ang gabi nay un. Well, masaya naman eh. But not until nalaman ko na magiging proxy nanaman kami sa mga absent, at may dumating na lady in red na ang sarap ilublob sa inidoro. Aba, ang magaling na lady in red, pumwesto pa sa harapan ko. Anakkanang! Pa’no ka gaganahan kumain kung kaharap mo lang ang kirida?! Bwiseeet! Sabi na eh, invited yun eh! Sabi na talaga!!! Naku, naku. Ewan ko nga kung bakit pa yun in-invite eh wala naman siyang ginawa kundi ang kumuha ng pictures! Excuse you, naka-red ka pa. terno pa kayo ng hayop na Butchok na yun. Nag-usap kayo nuh??! Sabihin mo!!! Nag-usap kayoooo! Mga traydor! Sa harapan ko pa. Naku! Ganyang-ganyang eksena yung sa Chowking ah. Nire-reenact nyo nanaman sa harapan ko! Aba, respeto boy, respeto. Baka ma-“your nothing but a second rate, trying hard, copy-cat” kita ng wala sa oras. Nakuuu! Pasalamat ka bagsak ang resistensya ko dahil sa ubo at sakit ng ulo. Pasalamat ka talaga, dahil pag nagkataong dumilim ang paningin ko, nakabaon na sa ulo mo ang tinidor. Tsktsk, mainit-init ka pa sa deathlist ko ah, tandaan mo yan. Kaya watch your back girl, watch your back.
(Pero sino kaya ang tinatabihan ng isang tao diyan... naku talaga! Akala mo forgiven ka na?? Mali! Wrong! X!)
Noong Linggo, hay naku, nag-research lang naman ako sa Theology. Aba naman, lumipas na ang 2 oras, wala pa din akong mahanap tungkol sa Social Mission eklavou na yan. Excuse me lang ah, pero may definition at history ba talaga yan? Kasi parang wala eh. Ultimo wikipedia, hinalugad ko na, wala padin akong nakita. Eh lingya, recitation pa naman sa Monday. Kung mamalasin ka nga naman o. Ang tae, bahala na. Malapit naman ang Social Mission sa Social Teachings eh, di ba? Basta, sana lang wag akong matawag. Pfft.
Hay. O siya, talagang mahaba na ‘to at baka nababagot ka na. Makaalis na nga, mag-iisip pa kasi ako ng pangpatay sa lady in red eh. Retribution, awooo.
Labels: fangirling, kirida, loner mode
isinulat ni Writing Writer noong
4:52 PM