Saturday, December 15, 2007
Why oh Why??
Potahn napaka-dysfunctional talaga ng pamilya kong 'to. Ay tae,mali, yung mga abnormalites ko lang palang mga kapatid. Tae,di na ba talaga sila magbabago? Di na ba baait si Princess? Di na ba magtitino si Balong? Di na ba titigil sa pag-iyak si Pogi? Di na ba tatahimik si Bentong? Taena, nakakasawa na eh. Kulang na lang ng lubid na matibay at ang kantang "Di Kita Malilimutan..." perfect picture na. Asan ang essence ng family? Bakit ako lang ang concerned? Bakit di gumagawa ng paraan ang tatay at step-nanay ko ng paraan para mabago sila? Asan ang tamang pagpapalaki? Asaaan?? Baket walaaa?? Di na ba ako magkakaroon ng pag-asang maging tahimik ang buhay? Bakit laging nagsisigawan ang mga katulong namin? Bakit laging may nakikitulog sa'meng kamag-anak ng step-nanay ko? Bakit sa tuwing umuuwi ako laging may komosyon sa bahay? Bakit ako nag-aaral? Bakit nagsusulat sa blog? Bakit masaya ako sa tuwing malayo ako sa bahay? Bakit lumulungkot na'ko pag uwi ko? akit may virus si Fuumi? Bakit di namin makita si Oh-cha? Bakit gold ang kulay ng uniform namin sa football? Bakit wala man lamang akong maibigay? Bakit wala akong nanay? Bakit ko pino-problema ang pagpapaaral ko sa aking mga kapatid? Bakit bilog ang mundo? Bakit wala akong masagot sa mga tanong ko? Bakeeet??!
Taenang buhay 'to oh...
...tsk, kaya ang sarap mabuhay eh.
Labels: signal # 2
isinulat ni Writing Writer noong
4:34 PM