Sunday, November 30, 2008
Buburahin na Kita
...pag sinipag na'ko. Buburahin ko na lahat ng post ko tungkol sa'yo. Maganda man yun o panget o nakakatakot, basta buburahin ko na. Sorry naman, bitter kasi ako. Salamat naman sa'yo. Di bale, madami diyang mas pogi sa'yo, akala mo ikaw lang? Excuse me, tama ka nga, the word "gorgeous" is not synonymous to you. Wag mo masyadong palakihin ang ulo mo boy, baka putukin ko yan. Balik na lang ako kay Butchok, o kay Akira-kun. At least sila nakaka-appreciate ng paghanga, di tulad mo, judgmental! Tss, hindi daw babanggitin ang pangalan for protection. Protection your face! E kahit naman di mo banggitin ang pangalan ko naka-insulto ka na e. Psycho bitch pala ah. Oo, tama ka, psycho bitch nga ako. Pero di naman tulad mo, ipokrito. Galit ka sa mga stalkers e pinapa-blog stalk mo nga 'ko eh. Kung di ka ba naman isanglibo't isang ipokrito. Sayang, akala ko pa naman isa ka sa mga magiging paborito kong crush. It turns out, mali pala. Tse, sorry, naka-let go move on na'ko sa'yo. Ang bilis no? Di ka na kasi dapat pinag-iisipan pa. Pagkatapos kong ma-post 'to, I will never speak of you again. Tse, manigas ka. At wag ka na 'ring babalik dito, baka di lang kita maisako, ipapa-shoot-to-kill pa kita. O di ba, labs na labs kasi kita eh. Kaya beware, watch your back at magtago ka na sa saya ng lola mo.
Haha. Hahahahaha. MWAHAHAHAHAHAHA.
Labels: bitter
isinulat ni Writing Writer noong
6:53 PM