Thursday, February 12, 2009
IM CONFUSED
Madaming nangyari. May nakakatuwa. Nakakatawa. Nakaka-awkward. Nakakatae. Nakakagago. Nakakasakit ng ulo. Nakakawindang. Sa tagal nang panahong hindi na ako nakakapag-blog, nakaka-miss tuloy balikan ang mga dating entries at ma-inspire magsulat ng mga nangyayari sa buhay uli. Nakaka-engganyong magbasa ng mga blog ng iba uli. Nakaka-excite magpost ng mensahe sa tagboard uli. Nakaka-motivate tuloy mag-blog uli. :)
--
I'm confused. So confused. Hindi naman dapat eh. Bakit? Ewan. Dapat na ba talagang itapon sa payatas ang lahat ng masasayang napagsamahan? Sabi mo nga sa quote na tineks mo:
"no matter how special that someone is, you just have to say goodbye even if it means forever" or something like that. Natuwa ako. Kasi baka nakapag-move on ka na. Nalungkot din ng bahagya, kasi nakaka-guilty eh. Sorry pero kelangan ko nang tigilan. Kelangan mo na ding tigilan. Hindi na matatawag na pagkakaibigan ang isang pagkakaibigan kung ilang na tayo sa isa't isa. Hindi na din matatawag na pagkakaibigan ang isang pagkakaibigan kung nagkakasakitan na. Alam ko at aware ako na "nasasaktan" ka na sa pag-iwas at pagiging indifferent ko sa'yo. Pero alam ko din na wala na akong pakealam kung ano man ang maramdaman mo. Napagod na din ako sa paga-analyze ng kilos mo. Galit ka ba o galit ka lang talaga? Kung siguro nung first time acceptable ko pa yun eh. Aminado naman ako sa pagkakasala ko. Sorry na at hindi ako nag-sorry. Pero pa'no lumaki ang isyu na yun? Pasensya naman kung sunud-sunod na pagkakamali ang nagawa ko noong mga panahon na yun; epekto lang ng matinding kalituhan sa dapat isipin o dapat gawin. Agrabyado ang pagkatao mo at alam ko yun.
Pero sana naisip mo din na ipa-explain sa akin ang side ko para naman nagkaliwanagan tayo bago mo ipinagkalat sa iba mo pang mga friends kung ganu ako
kasamang kaibigan. Sige, alam kong excited ka na magtawag ng isang pagpupulong exclusively meant for bashing jasmen, pero sana kumalma ka muna ng konti at nagrelax at inisip mo ang magiging posisyon ko sa'yo, sa mga kaibigan mo at sa mga taong pinagsabihan mo kung ganu ako
kasamang kaibigan. Akalain mo, nagalit sila sa'ken. Nagalit. Sila. Sa akin. Teka nga muna, sino ba sila? E ni anino nga nila hindi ko pa nakikita eh. Tapos nagalit sila sa'ken base lang sa mga kwento mo? Waw. Ang gandang nobela siguro nung sinabi mo nu. Pang Academy winner. Akalain mong nagalit sila sa isang tao na hindi naman nila nakikita/naaamoy/nararamdaman/nakakasama ni minsan? Akalain mo? I congratulate you for that. Salamat ah, in-uplift mo ang spirits ko. Nakadagdag ka sa ikagaganda ng aking buong pagkatao. Agrabyado ang pagkatao ko pero alam mo ba yun?
Not once, but twice. Akala ko nung una ok na eh. Nagtatawanan na uli tayo. Tumatambay na uli tayo dun sa peyborit nating tambayan. Pero ramdam na natin pareho ang ilang. Hindi natin namamalayang unti-unti ng nawawalan ng spark yung spark na meron tayo dati hanggang sa natapos ang school year na yun. Pagpasok natin sa school the next school year, alam kong naramdaman mo na din na hindi na 'to magwo-work out. Pero pinilit pa din natin. Nag-usap. Nag-iyakan. "Nagkaayos." Pero ang bottomline nun, sa lahat ng in-argue mo, lumalabas na
ako lang nanaman ang maysala. Natatandaan kong sinabi ko 'to sa'yo: ano nanamang ginawa ko? At natatandaan ko din yung reaksyon mo na para bang sinasabing: "eh sino pa ba? Yung hangin?" Mukang nainis/nainsulto ka pa nga yata sa sinabi ko sa'yo. Pero ngayon, na-realize ko, tama lang ang tanong na yun. Bakit, ano namang mabigat na kasalanan ang nagawa ko? Hindi kita na-text? Hindi ako pumunta sa birthday mo (READ: kasama ang mga kaibigan mong galit sa akin)? Hindi kita nabati (and other
major "kasalanan" na nagawa ko)? Waw. Ang deadly ng ginawa ko ah. Sapat na para magalit ka uli the second time around. Sapat na para isisi sa akin lahat ng mali. Sapat na para sa downfall ng ating 'pagkakaibigan.' Sapat na para masuka ako sa lahat ng pilit na sisi na ipinamumuka mo sa akin. (Aba, at bumawi ka pa nga. Sabi mo, hindi ko naman talaga kasalanan. Sabi mo ikaw ang may kasalanan kasi nag-expect ka masyado sa akin. E kung ganun nmn pala, ano pang silbi ng 'talkshow' natin na yun na inabot pa tayo ng alas-nueve ng gabi? Wala lang? Trip lang natin mag-iyakan? Gusto mo lang akong atatin, ibubunton mo sa akin ang lahat ng sisi tapos saka mo din babawiin? Lokohan pala 'to eh. Dapat nagdala ka na din ng mga hidden camera crew sabay pina-sigaw mo sila ng WOW MALI!!! nung paalis na tayo.)
At mantakin mong not just once, neither twice, but instead thrice! Nagalit ka uli. Kasi hindi ko nabantayan ang gamit mo na may lamang digicam noong umalis kayo para pumunta sa kung saan. Pansin ko lang ah, palalim ng palalim ang mga nagiging dahilan mo para magalit sa akin. Masyado bang nakakawili? Mukang nag-eenjoy ka.
Para sa iyong kaalaman, lahat ng banat mo sa akin, may kaukulang dahilan. May katapat na paliwanag. Tss. Paliwanag my face. As if naman tatanggapin mo di ba? As if naman o-oo ka? As if naman maniniwala ka? Ako pa, e barbero ako e. Magaling akong umimbento ng palusot. Mas magaling pa sa'yo. Sorry sa'yo. Pero mas sorry sa akin.
Pero di nga, seryoso, wag mo 'kong seryosohin. Joke lang ang lahat ng pinagsususulat ko dito.Labels: bitter, let go move on letter
isinulat ni Writing Writer noong
1:47 AM