Sunday, November 01, 2009
Three months and counting.
Woooah men, spell inactive.
I know I've been missing a lot with my blogspot f-list because I'm too busy blogging about my fandom at LiveJournal but dears, imysm!!!
Nakaka-miss din mag-blog dito dahil ang mga taong nakakabasa ng entry mo ay mga taong maiintindihan ang laman ng utak mo. Masaya din mag-blog sa isang banyagang site, kung saan wala halos ang nakakakilala sa'yo. Oo nga naman, pwede mong isumpa ang kahit sino sa blog mong 'yon ng walang nakakaalam. Pero mas masaya pa din ang pakiramdam na may makiki-epal sa mga sintimyento mo sa buhay. Kaya nga sila tinawag na "kaibigan." Ewan. Bakit ba ako nagpapaka-sentimental dito? E halloween nga? Baka kasi miss ko na yung mga epal na yun. Miss na miss na miss ko na soobra. Gusto kong ibalik yung mga panahon noong 1st year and 2nd year pa kami, yung tipong may sarili kaming mundo tuwing tanghali. Pag-aari namin ang 6th floor, serials section. Siga kami ng soccer field. Notorious kami sa pagka-cut. Resident abusado kami ng mga internet sa lib. At higit sa lahat, araw namin ang Biyernes. Nakaka-miss no? Ikaw, na-miss mo ba? :)
Labels: i'm baaack, superfriends
isinulat ni Writing Writer noong
4:12 PM